Monday, May 16, 2005

"Ayan na ang Santo"


Ayan na ang Santo”, ang mga katagang ito ay madalas mong maririnig tuwing sasapit ang kapistahan ng San Isidro sa Lucena, bagamat mas popular ang Piesta ng San Isidro sa Lucban kung saan ito ay mas kilala bilang “Pahiyas Festival”, lingid sa kaalaman ng marami na ipingdidiwang din ang kapistahang ito sa iba pang bayan sa Quezon, tulad ng Tayabas, Sariaya, Sampaloc at Lucena, subalit di tulad ng sa Lucban kung saan pabonggahan ng mga dekorasyon ng kanilang bahay ng iba’t ibang pabitin at kung sino man ang mapipiling may pinakamagandang dekorasyon ay magkakamit ng kaukulang gantimpalang salapi (tagalong na tagalong yan ha..hehehe), sa Lucena naman ay gumagawa ng mga “pabitin” na sinasabitan ng iba’t ibang gulay (gaya ng upo, repolyo, talong etc.) prutas (gaya ng mangga, saging, pinya etc.) meron ding mga chichiria (tulad ng peewee, oishi etc.) na iniistapler sa palaspas, maaaring ding magsabit ng pera na inilalagay sa plastic ng yelo, para hindi mapunit kapag inagaw, dati nga natatandaan ko pa nung nangangagaw ako merong ngsabit ng mga dollars, syempre nakabantay ako dolyares yun e(ang palitan nun ay $1 – P26) medyo may katagalan na din yang mga panahong yan, pero sa kasamaang palad dir in ako nakaagaw, maliban dito meron ding nagsasabit ng mga sombrero, sabon, shampoo at kung ano ano pa.

Mga banding 4 ng hapon dumadaan ang santo at magsisimula na ang agawan, pero bago dumating ang takdang oras na yan, kanya kanya ng hanap ang mga tao ng kanilang gustong agawin, para mabantayan na nila habang hindi pa dumadaan ang santo, at kung minsan hindi pa man dumadaan ang santo basta my sumigaw ng magic word na “Ayan na ang Santo” maraming na paparanoid at biglang nakukuha ang mga pabitin, kaya naman sa mga panahon ngayon ay itinataas na nila ang mga pabitin para hindi maagaw habang di pa dumadaan ang santo. Kaakibat ng santo ang daang daang mangangagaw na mula pa sa iba’t ibang lugar sa Lucena kaya hindi mo masisisi ang mga ordinaryong mangangagaw na hindi kasama ng santo na bantayan ang kursunada nilang agawin dahil kung makikisabay sila sa tunay na mangangagaw ay madadagaanan pa sila dahil parang stampede ang nangyayari.

Pagkatapos naman ng agawan ay mistulang dinaanan ng bagyo ang buong paligid dahil sa nagkalat na mga palaspas, puno ng kawayan, balat ng chichiria at kendi, gutay gutay na mga gulay at prutas, at kung sweswertihin mga tulo ng dugo..hehehe..minsan kasi sa di maiiwasang pagkakataon merong nasusugatan mula sa mga matatalim na sanga ng kawayan na ibinabagsak sa mga mangangagaw pagkadaan ng santo, imagine mo na lang kung anong nangyayati pagkatapos ibagsak yung kawayan, e di magkukuyugan na yung mga mangangagaw, kaya naman kung minsan ay nagkakaroon ng mga aksidente. Pero liban sa lahat ng ito at napapanatili pa rin ang diwa ng Kapistahan ng San Isidro na “Patron ng mga Magsasaka” na nagpapatunay ng yaman ng ating kultura, ang kapistahang ito ay ilan lamang sa mga kapistahang ipinagmamalaki ng Pilipinas, di matatawaran ang iba pang kapistahan tulad ng Panagbenga Flower Festival ng Baguio, Ati-atihan ng Aklan, Sinulog ng Cebu, Dinagyang ng Iloilo, Masskara Festival ng Bacolod, Kadayawan ng Davao, Moriones ng Marinduque, Higantes ng Rizal, Parada ng Lechon sa Batangas at marami pang iba. Ang mga ito ang nagpapatunay ng yaman ng kulturang Pilipino. “Mabuhay ang Pilipinas !!!” hehehe

2 Comments:

At 7:07 PM, Blogger Unknown said...

Ganyang pala ang makikita sa Fiesta ng pahiyas, sobrang saya pala. Sayang at di ako nakadalo sa kapistahan (wala kasing nag-imbita), hehehe. Sa susunod na taon, di ko na palalampasin ang Pahiyas Lucena at Lucban :) Sa mga nabanggit mong festival wala pa akong napuntahan...tsk tsk stk

 
At 9:41 PM, Blogger Ver said...

Masaya siguro yan. Mahilig pa naman ako sa mga freebies. Hehe. Tapos na ba yung Pahiyas this year?

 

Post a Comment

<< Home

<-----mrug5----->