Lucky 13
Lucky13 in August 13 (Photography by Jerico Leyva)
Ika-13 ng Agosto ng umakyat kami ng Pico de Loro, kaming lahat ay labintatlo..hehehe..makatang makata.
Nagsimula kami almost 10:30 na ng umaga sa jump-off point sa Magnetic Hill Ternate,Cavite at nakarating kami sa Brgy. Papaya sa Nasugbu,Batangas more or less mga 11 na ng gabi..tagal no..exciting naman..hehehe..despite sa lahat ng dinanas namin..hindi ko na msyadong i-elaborate..baka mkagawa ako ng 100 chapters na libro..hehehe..I'll rather show illustrations tulad ng mga pictures para ma-visualize nyo yung mga pangyayari...hehehe...ok..so simulan na natin..So yung unang picture, gaya ng nabanggit ko, dun kmi nagsimula, tapos after mga more than 1 hour nakarating kami sa Nipa Hut kung saan kami nagpa-register at nagrefill ng mga tubig, tpos nagsimula na kami ulit maglakad hanggang sa makarating kami sa falls, hindi ko matandaan kung anong oras na nun dahil sa sobrang pagkasabik ko sa falls, e parang nalimutan ko ng ang pangalan ko hehehe...
we are the "Gwapings" (Photography by Ronald Mallsri)
Yan ang itsura nung falls, ngpost muna konti ang "gwapings"... hehehe...naligo kami at nagliwaliw for a while then nagsimula na ulit kami sa aming trek...madugo yung assault..mga ilang ulit ko din narinig yung magic word na "30 mins na lang"...hehehe...mga every 6 steps nagpapahinga ako konti just to catch my breath..hehehe..syanga pala naligaw kami ng konti during the assault (buti na lng naagapan hehehe), after that, mga 3pm kami nag-lunch, pro wala pa kami sa summit nyan..pro almost andun na kami, but we settled to eat our lunch first..and kaya siguro madali na din akong mapagod during the assault..kasi tomguts na tomguts na ko nun..hehehe..after eating our lunch and picture picture..nagsimula na ulit kming umakyat..before 4pm nasa summit na kami.
view of the summit (photography by ME..hehehe)
Yan nasa summit na kami nyan at that time, i took the picture of that rock formation, hindi na namin na akyat yang rock formation na yan, because we were far behind our itinerary...basta dyan daw sa batong yan ay may taling kung tawagin ay "urawin" (di ko makakalimutin yang mga katagang yan..hehehe..nalaman namin yan mula sa mga nakainuman naming mga Batangueno..ngayon kung anong ibig sabihin nung word na yan ipagtanong nyo na lang kung me kilala kayong Batangueno dahil nakakatamad mag-explain sa blog na to..hehehe)..Teka nasan na ba tyo, so ayun, pagkatpos namin namnamin ang hangin sa summit at pakatapos magsawa ang mata namin este nila sa 360 degree view mula sa taas (na-curious kasi ako kung pano bumaba mula sa summit kasi di kita yung daan, stiff kasi..hehehe..kayao wala ako msyadong picture picture sa summit..hahaha).
descend from summit (Photography again by Ronald Mallari)
Ayan yan po yung sinsabi kong pababa mula sa summit ng Pico de Loro, ngaun kung nasaan ako kayo na bahala maghanap..hehehe..nakakatamad magturo..pasensya na po sa mga ngbabasa..sinipag lang po akong gumawa ng blog, hindi ko na po sakop ang magexpalin ng kung ano anong mga word at magturo ng mga taong nawawala...hehehe..back to topic...so mga past 4pm kami nagsimulang bumaba ng bundok..at ayon sa aking bubwit at kay Chona Chikadora (kung sino si Chona Chikadora, uulitin ko, its beyond my concern..ok..nililinaw ko lang po)..maraming nadulas sa descend hindi lang once kundi raise to the nth power..hehehe..tapos nakarating kami sa paanan ng bundok mga past 6pm, dapat mag-e-emergency camp na kami nun, kasi ayon sa aming mga reliable source..mga 2 hours pa daw bago makakita ng sibilisasyon..hehehe, pro dahil sa maangas ang lahat hehehe at dahil rolling lang naman daw yung trail(tsk..tsk..tsk..)..diniretso na namin ang aming paglalakad, buti na lang at napilitan akong bumili ng flashlight nun, pro sa kasamaang palad, dahil sa 13 nga kami at 13 din nung araw na yun, sa di ko malamang kadahilanan, wala pang 45 mins e ubos na yung battery nung flashlight ko, pro hindi lang naman ako yung bida, dahil meron din namang naubusan ng battery..hehehe..BELAAAATTT!!!, teka..papakita ko na lang kung anong mga pagmumukha namin nun, humahaba na yung kwento ko hehehe
mga dakilang tupperware at orocan sa kaplastikan(syempre galing kay Ronald Mallari)
Ayan kita nyo ang plaplastic ng mga ngiti..hehehe...me halong kaba na yang mga yan di lang pinapahalata..kasi narinig nila ang mga salitang ito "Sige, use your instinct na lng Nald, gabi na e" in other words, nanghula kung saan dadaan, dahil merong 2 daan na pa Y ung itsura. (ayan swerte nyo at sinipag akong mag-explain..ngayon kung di nyo naintindahan yung explanation, di ko na yun problema). Tapos buti na lang at tama ang isinasaad ng prophecy, mga 8:30pm nakaapak kami sa isang highway na sementado subalit putol..hahaha..ginagawa pa lang yung kabilang side,kaya ayun naglakad kami pababa dun sa sementadong daan, at pagkalipas ng isang oras (kung tama ang aking computation 8:30+ 1hr = 9:30), me 3 engkatandong nagpakita..este 3 bata pla kaming na kita sa daan..kaso dinedma lang namin..kasi wala naman kaming nakitang mga bahay, pero meron jeep at tricycle dun sa daan, ngayon, napagtanto ng grupo kung magbakasakilng arkilahin yung sasakyan at sa kabutihang palad tila isang spaceship yung tricycle, inarkila nmin yun, bale 3 yun, so sumakay kami dun via Brgy Papaya..naks..un ang akala nyo dahil dumaan muna kami sa buwan(moon), dahil kung gano ka bumpy yung surface ng moon e ganun din yung dinaanan nmin..hahaha..me tumawarik, me sumubsob at me nabangga sa pader na tricycle..hehehe..at ang malupit pa nun sa halagang 20/person e makakasakay ka pala sa isang ride na hindi mo mararanasan sa EK o kaya sa Star City (astig di ba!), for more than 1 hour un ha(time check: mga past 9:30 kami nakasakay ng tricycle)..hehehe..so mga bandang 11pm andun na kami sa Brgy. Papaya na may Reyes Famely (yan talaga ung spelling hindi po sila Bisaya, Batangueno sila..hehehe..pasintabi po sa mga kababayan at kaibigan nating Bisaya..i don't mean anything..walang personalan trabaho lang po.. hehehe)..tpos kelangan pa nming umarkila ng bangka, para makarating sa island, pero hindi na kami nakaarkila dahil malakas daw yung alon sabi nung mga bangkero (bading kasi yung mga yun..atrasado ang ....toooot...) joke lang mababait yung mga yun, so dun na lang kami nakitulog kung saan saan, me mga dala naman kaming tent, tapos nagluto na kami after naming umorder ng mga isda at pusit, habang ang iba ay naliligo at nagtatanggal ng mga putik..kasama ako dun hehehe...mga 12:30am(Aug. 14 na), ay dumating na ang pinakaabangan na sandali ni Aris hehehe..ang dinner..simultaneous yan sa pakikipaginuman sa mga taga dun, 3 lang naman sila...tapos natulog na kami at gumising ng alas-6 ng umaga para pumunta ng island. Natapos mg-empake mga 7:30 na din ng umaga, at nakarating kami sa island mga 9am, syampre anong gagawin mo sa beach kundi maligo.
soon to be...Papaya Beach Resort(Photography raised to the nth power by Ronald Mallari)
Ayan sa totoo lang malungkot pa kami sa lagay na yan habang nakikipag bunong-likod sa alon..hahaha..joke lang..sino ba namang hindi magsasaya, teka nasan ako sa picture..nagtago lang po ako sa ilalim ng alon, baka mabasa ako ng ulan e(ang corny mo dong!).
Umalis kami sa island past 1pm na...dahil ang tagal dumating ni manong bangkero na traffic daw sya (tag-mais ba dong sobrang corny mo..hehehe). Tapos dyan na nagtatapos ang aming makapigil hiningang adventure, and they live happily ever after!!!
Moral story: Ikanga ng karamihan, sa susunod na mgswiswimming sa Papaya, mag bus na lang papuntang Nasugbu, yung Crow na bus dun sumakay ok..P121 pamasahe mula Pasay, tapos sumakay ng jeep papuntang Brgy. Papaya, at languyin na lang papuntang island para merong konting adventure.
Syanga po pla pahabol lang share ko lang tong last picture. ayan see it to believe it. Doon po kami galing, dun sila ngpicture picture..na wala ako..huhuhu..kasi bumaba agad ako..pasensya na kung pangit po ang pagkaka-edit..nawala kasi yung stylus ko sa bundok..hehehe...kuko lang ng hinliliit ko ang ginamit ko sa pagguhit nung arrow..hehehe
Pico de Loro from afar (Photographt this time by Jerico Leyva edited by ME)
Next Picture: Gulugod Baboy (Mabini, Batangas)
Coming Soon: Mt. Romelo (Famy, Laguna)
Sana sipagin ulit ako...hehehe...at sana sipagin din ulit kayong magbasa....HAHAHAHA
MARAMING SALAMAT PO!!!